^

Punto Mo

Iba’t ibang kaalaman

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Overrated ang sinasabi nilang 8 oras daw ang dapat nating itulog sa magdamag. May taong 5 or 6 na oras lang ay okey na sila. Mas mainam ang lima o anim na oras na pagtulog nang mahimbing kaysa walo nga pero mababaw lang o paputol-putol na tulog. Quality matters more than quantity.

• Kung tinititigan ka ng baby, ibig sabihin, attractive ka.

• Mas smarter ang isang tao, mas pangit ang kanyang handwriting.

• Kapag nauntog ang iyong ulo nang malala, pilitin mong gising ka hanggang sa dalhin ka sa ospital dahil kapag nakatulog ka, baka tuluyan ka nang hindi magising kahit kailan.

• Kapag nakakatanggap ka ng negatibong kritisismo sa isang tao at sinabi niyang nagsasabi lang siya ng katotohanan, huwag mo agad iyon paniwalaan. Minsan namimintas lang iyon at inggit siya sa iyo. Nagkukunwari lang siya na nire-real talk ka. Gusto lang niyang buwagin ang self-confidence mo.

• Kapag nagbibigay ng payo, gumamit ng “open hand” gesture at huwag gumamit ng “pointing finger” gesture.

• Unconsciously, nginangatngat ng isang tao ang kanyang kuko dahil punumpuno siya ng problema.

• Kung nakaupo at hindi mo namamalayang pinakikinig mo ang iyong legs, senyales iyon na balisa ka o may malalim kang iniisip.

KNOWLEDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with