Kilos na may ibig sabihin
May 21, 2025 | 12:00am
- Kapag inilagay ang kanilang kamay sa likod, ibig sabihin ay confident sila at relaxed.
- Tumitingin sa kaliwa’t kanan habang nagpapaliwanag, malamang na ito ay nagsisinungaling.
- Kung pinatutunog ang kanilang daliri (snaps their finger) habang nagsasalita, balisa siya at nai-stress.
- Kung madalas ang pagkisap ng mata, naiinis na siya sa inyong pag-uusap.
- Naiinip siya at naiisip na “boring” kang kausap kung sumusulyap siya nang madalas sa kanyang relo habang nakikipagkuwentuhan sa iyo.
- Ang taong gigil na gigil na “sumakses” sa buhay ay kadalasang mabilis maglakad.
- Kapag nagha-hum siya or kumakanta nang mahina na siya lang ang nakakarinig, malamang na ninenerbiyos siya o nababalisa.
- Ang taong mahilig mag-sorry kahit sa walang kuwentang bagay ay pinahahalagahan ang kapayapaan kaysa pride.
- Ang nahihirapang tumanggi sa bawat pakiusap ng ibang tao ay “uhaw” sa acceptance ng kanyang mga kakilala.
- lKapag naka-open ang kamay habang nagsasalita, sincere siya at honest sa kanyang mga sinasabi.
- Kapag hinahaplos ang ilong o bibig habang nagsasalita, may itinatago siya o hindi “sure” sa kanyang sinasabi.
- Kapag nilalaro ang ballpen, itinutuktok ang daliri sa mesa, pinakikinig ang legs, palatandaan na magulo ang isipan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended