‘Araro’ (Part 5)
“MAARING tama ka Cherry,’’ sabi ko sa aking asawa.
“Napanaginipan ko ang araro ni Itay dahil napapabayaan na naming magkapatid!”
“Oo, Ronald. Kahit na sinabi ni Itay na huwag kayong hahawak ng araro, hindi naman ibig sabihin niyon na pabayaan n’yo na ang araro. Sabi mo, ang araro na yun ang ginamit ni Itay para maigapang kayo sa pag-aaral.”
“Oo Cherry. Malaki ang nagawa ng araro para kami makapag-aral na apat. ‘Yun ang tanging ginamit ni Itay para kami makapagtapos sa pag-aaral hanggang maging propesyunal.”
“Pero bago ba namatay si Itay ay mayroon siyang binilin sa inyong magkakapatid ukol sa araro?”
“Meron. Sabi niya sa akin nung nakaratay na sa sakit, huwag ko raw kalilimutan na pahiran ng oil ang talim ng araro. Kapag daw hindi regular na napahiran ng oil ay kakalawangin ang talim at masisira na.”
“Kaya naman pala—mayroon palang bilin sa iyo si Itay. Bakit hindi mo tinupad, Ronald?”
“Masyado nga akong busy, Cherry.”
“Kailangang puntahan mo ang araro sa probinsiya. Baka kinakalawang na iyon o nanakaw na.”
“Tatawagan ko ang mga kapatid ko. Ipaaalam ko sa kanila ang tungkol sa araro.”
“Mabuti pa. Sasama ako sa’yo, Ronald.” (Itutuloy)
- Latest