^

Punto Mo

Toxic na kamag-anak

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SIYA ay matandang dalaga. Noong kabataan niya ay ­malakas ang hanapbuhay niya kaya may kakayahang ­mangupahan sa mamahaling apartment. Nagkarelasyon siya ng ilang beses sa kapwa kabaro pero walang nagtagal kahit isa.

Bukod sa mga palpak niyang “choices” sa buhay, waldas pa ito sa pera kaya walang naipon as in zero. Nang tumanda ay hindi na at hindi makapaghanapbuhay ay nakitira na lang sa isang kapatid.

May ugali siyang kapag  nasa bahay ng isa pang kapatid, itsinitsismis niya ang mga ­kapalpakang nangyayari sa bahay ng kumukupkop sa kanya. Idagdag pa dito ang paninira niyang ginawa sa ibang pamangkin na kahit nagbibigay sa kanya ng pera ay may nasasabi pa rin siyang hindi maganda dahil hindi siya satisfied sa halagang iniaabot sa kanya.

Tumagal ang panahon na parang naiinis na rin sa kanya ang kumukupkop sa kanya. Siyempre nararamdaman niya ‘yon. Ang nangyayari tuloy ay nagpaparamdam siya sa ibang pamangkin na gusto niyang makitira sa mga ito. Kaso, walang “bumibili” sa kanyang pagpaparamdam.

“Naku, nakakatakot ‘yang kasama sa bahay, kung yung nagpapalamon sa kanya ay nakakayang pintasan, tayo pa kaya na kakaunti ang naitutulong sa kanya?”

Dagdag pa ng isang pamangkin na may negosyo at pinagparinggan na gusto niyang magtrabaho dito: “’Wag na. Guguluhin lang niya ang aming buhay. Kung hindi siya doble kara, dalawang kamay ko pa siyang tatanggapin dito sa amin.”

Ang sabi naman ng isang pamangkin, “Patitirahin ko siya sa amin kung ulyanin at nakatulala na, para wala nang kakayahang manira.” Hindi nagtagal at namatay ang matandang dalaga na ubod ng lungkot ang buhay.

“And when she died, I suddenly realized I wasn’t crying for her at all, but for the bad things she did. I cried because she would never do them again...”

 

 

RELATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with