^

Punto Mo

‘Kuwago’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ARMADO ang holdaper, magtago kayo at baka mamaril!” sabi ng lalaking tumatakbo at nagdaan sa harapan ko.

Nangatog ang tuhod ko. Hindi ako makakilos dahil sa takot. Ano ang gagawin ko?

Kung anu-ano ang aking naisip. Baka biglang magbarilan ay tamaan ako! Baka sa kinaroroonan ko magtungo ang holdaper at i-hostage ako. Baka may dalang granada ang holdaper at ihagis sa kinaroroonan ko para hindi mahabol ng mga pulis.

Napansin ko na nagkanya-kanyang tago ang mga taong namimili. May mga usyusero na nakatayo at tila hinihintay pa ang pagdating ng holdaper.

Hanggang sa makarinig ako ng putok!

Dalawang sunod na putok!

Baka binaril ng mga pulis ang holdaper!

Pero mali ang aking akala dahil nang tingnan ko ang pinanggalingan ng putok, isang lalaki na may hawak na baril ang nagpapaputok at patungo sa kinaroroonan ko.

Dahil sa takot sumubsob ako sa ilalim ng hawla ng kuwago. Nakaangat ang hawla sa semento nang may isang metro. Isiniksik ko ang katawan doon para hindi makita nang naghuhuramentadong holdaper.

Habang nakasiksik sa ilalim ng hawla, nakita kong nakatingin sa akin ang kuwago.

(Itutuloy)

OWL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with