^

Punto Mo

‘Kuwago’ (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI naman ako ­nagpahalata kay Karla na kinilabutan nang makita ang kuwago na nasa hawla. Talagang kinakabahan ako kapag nakakita ng kuwago—iba ang ­nararamdaman ko.

Si Karla ay naging kaibigan ko nang magkasama kami sa isang ­kompanya—una kong trabaho. ­Pareho pa kami single noon.

Hanggang sa nagulat ako nang sabihin na mag-aasawa na siya. Buntis na raw siya. Si Danny ang ama, kababata niya at kaklase noong nasa high school.

Ang labis kong ikinalungkot ay walang trabaho si Danny. Hindi na ako nakatiis noon at sinabihan siya. “Paano ka bubuhayin e walang trabaho ang asawa mo. Tapos magkakaanak pa kayo.”

Napatungo na lang si Karla.

“Narito na e. Hindi na ako makakaatras. Isa pa mahal ko naman siya.’’

Kinuha niya akong kumare.

Hanggang sa hindi na kami nagkita. Lumipat na kasi ako ng trabaho. Pero nagtatawagan kami ni Karla.

Hanggang sa malaman ko na nagbitiw siya sa trabaho.

Lumipas ang isang taon na hindi kami nagkita hanggang sa i-text ako at sinabing dalawin ko siya sa Tondo.

Pinuntahan ko. Naawa ako sa kalagayan ni Karla. Maliit ang inuupahan. Halatang hikahos.

At pagtungo ko nga roon, nakita ko ang kuwago sa hawla.

Kinabahan ako nang todo!

(Itutuloy)

OWL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with