PBBM may desisyon na sa PUV modernization
DIREKTA na mismo sa bibig ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nagmula na tuloy ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle modernization program (PUVMP).
Tinabla nito ang inihaing resolusyon ng may 23 senador na naggigiit ng suspensyon sa naturang programa.
Ayon nga sa Pangulo, wala siyang nakikitang dahilan para ipagpaliban ang nasabing programa dahil pitong beses na itong na-postponed.
Hindi rin marapat sabihing minamadali ang programa, dahil mistulang overdue na nga, dahil sa palaging pagpapaliban sa pagpapatupad nito.
Minoryang maituturing ang mga humihiling na ipagpaliban ang programa, habang 80 porsiyento ay nakapag consolidated na.
Taong 2017 pa nga naman nang simulan ang PUVMP sa layuning palitan ang traditional jeepneys ng mga sasakyan na may Euro 4 compliant engine para mabawasan ang polusyon at maalis na sa lansangan ang PUVs na hindi na roadworthy, ayon sa standard ng Land Transportation Office (LTO).
Nito lamang nakalipas na Abril 30 natapos ang aplikasyon para sa consolidation ng individual PUV operators para magbuo ng transportation cooperatives.
Ito matapos ang ilang ulit na pagpapalawig.
Magugunitang kamakailan lamang ay naghain ng resolusyon ang mga senador para suspendihin ang pagpapatupad nito, na ngayon nga ay tinabla ng Pangulo.
Ngayong nagsalit na ng Pangulong Marcos tuluyan na kayang umusad ng programang ito, na yan ang inaantabayanan ng mga commuters na siyang madalas na naaapektuhan sa tuwing may pagkilos ang dalawang panig ng transport groups.
Ang pabor at ng tutol sa programa.
- Latest