Mga kilos na naglalarawan ng pagkatao

(Last part)

Kapag nagse-selfie

Hinahawakan ang camera sa ibaba upang sarili lang ang malitratuhan at hindi ang background na kanyang kinaroroonan. Indikasyon ito na mas madalas na positibo ang pananaw niya sa mga nangyayari sa paligid. Hindi siya reklamador at hindi namimintas.

Kung mahilig mag-duckface shots, lagi siyang nakakaranas ng nervous tension or maarte lang.

Kapag nagkukuwentuhan ang isang grupo

Kapag inaalala ang isang nakalipas na pangyayari na kasama siya, totoo ang kanyang ikinukuwento kung ang ginagamit niya ay first person na “ako”.

Kung kumakain ng popcorn

Isa-isang isinusubo ang popcorn, siya ay malihim, mapag-isa, hindi mahilig lumabas ng bahay o dumalo sa party.

Dinadakot ang popcorn at ito ang todong isinusubo, siya ay sociable, palakaibigan.

Ang isang pack ng popcorn, gaano man kalaki ang size, ay singbilis ng kidlat na nauubos, indikasyon na mas uunahin niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sarili.

Kapag tumaas ang kilay habang nagkukuwentuhan ang grupo

Palatandaan na hindi siya komportable sa mga pinag-uusapan o sa mismong grupo.

Kapag ang taong tinatanong mo ay matagal ang pagtitig sa iyo       

Malaki ang tsansang nagsisinungaling siya. Sinasadya niyang tumitig upang pasinungali­ngan na ang taong hindi makatingin ng diretso ay guilty.

Show comments