^

Punto Mo

Gibo sa 2028?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Philstar.com

MALAKING intriga kung sino ang nangako sa China na ipaaalis nito ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ilan sa pinagbibintangan ng mga amuyong ay si dating Sen. Antonio Trillanes, mga dating Presidents GMA at Erap Estrada.

Idiniin ni dating Malacañang spokesperson Bobi Tiglao na si Erap ang nangako sa China na ipaaalis nito ang Sierra Madre. Pinabulaanan naman ito ni Sen. Jinggoy at sinabihan si Tiglao na “stupid”.

Mabuti at hindi sinuntok, ha ha ha!

Makailang beses sinabi ni Digong na “bestfriend” natin ang China. Payag umano ito maging probinsiya ng China ang Pilipinas na ikinagalak naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Shao Jianhua.

Biro-biro, pero nakaka-shock.

Nakipag-alyansa rin ang noo’y ruling party PDP-Laban sa Communist Party of China (CPC) noong 2018 at nakisayaw nang tuluyan sina dating Senate Pres. Koko Pimentel at dating House Speaker Bebot Alvarez kay China Vice Minister Guo Yezhou.

Ala Totoy Bibo, ha-ha-ha!

Sa hanay ng mga nagpapakita ng tapang at pagiging makabayan, mukhang si Gibo Teodoro lang ang may balls na salungatin ang diskarte ng China. Teka nga, 2028 ba ‘ika n’yo?

Puwedeee!

AYUNGIN SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with