^

Punto Mo

Kapag kakain ng prutas

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Dalawang oras ang palilipasin bago kumain ng prutas pagkatapos ng “solid meal”. Isang oras ang ginugugol ng prutas bago matunaw sa loob ng bituka. Kaya kung kakain agad kayo ng prutas pagkatapos ng “solid meal” (agahan, tanghalian o hapunan), itutulak ng prutas ang mga kinain n’yo kahit hindi pa ito natutunaw sa maliit na bituka: kanin, karne, gulay, na magreresulta ng indigestion, bloating, gases at madalas na pag-utot.

2. Isang oras naman ang palilipasin kung kakain ng prutas bago kumain ng “solid meal”.

3. Iwasang kumain ng prutas sa gabi o pagkakain ng hapunan. Ang prutas ay may active acid at microbial enzymes kagaya ng fumaric acid, tartaric acid oxalic acid critic acid, malic acid na may “waking effect”  sa ating katawan. Iniistorbo ng mga nabanggit na acids ang produksiyon ng melatonin sa ating katawan. Ang melatonin ang kailangan upang tayo ay antukin. Halimbawa kumain ka ng isang mansanas sa gabi bago o pagkatapos ng hapunan, ang kahalintulad  nito ay pag-inom ng isang tasang kape kaya mahihirapan kang makatulog sa gabi.

4. Ang prutas ay may tatlong grupo: 1) astringent fruit – apples, berries, cherries, pear. 2) sweet fruits – papaya, mangga, saging, peach, avocado 3) sour fruits – orange , lemon , tangerine, dalanghita, grapefruits, suha. Eat one fruit group at a time.

5. Ang melon o pakwan ay kainin nang walang kahalong ibang fruit groups.

FRUITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with