^

Punto Mo

Practical tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Maglagay ng cinnamon powder sa apat na sulok ng inyong bahay upang maiwasan ang pagtatalo ng miyembro ng pamilya.

Sa mangkok, maglagay ng magaspang na asin (puro, walang halong iodine) at bawang. Ilagay ito sa dining table upang maiwasan ang inggitan at negative thoughts sa isa’t isa.

Magsunog ng balat ng bawang sa araw ng Biyernes para dumaloy ang pera papasok sa inyong bahay.

Upang hindi matuloy ang pagbisita sa iyong bahay ng taong kinaiinisan mo, magsunog ka ng isang dakot na magaspang na asin sa ibabaw ng nagbabagang uling.

Sunugin isa-isa ang 3 pirasong cloves. Gawin ito isang beses kada buwan. Kung gagawin ito nang regular, hindi ka magigipit sa pera at hindi magiging biktima ng paninira at tsismis.

Sa mga kababaihan, upang manatiling maganda ang kalusugan at hindi magkasakit, talian mo ng itim na sinulid ang iyong kaliwang bukong-bukong sa araw ng Martes. Tanggalin kinabukasan. Proteksiyon ito sa negative energy.

Pagkatapos mong makaranas ng nakaka-stress na sitwasyon, itapat mo ang iyong kamay at paa sa nakabukas na gripo. Hayaang dumaloy ang tubig sa iyong paa at kamay ng ilang minuto. Ang tubig ay may cleansing power. Tatanggalin nito ang negative energy na nagbibigay sa iyo ng mabigat na pakiramdam sa iyong puso at isipan.

FAMILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with