^

Punto Mo

Ginger (125)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAPAKABISA ng batong yan, Anton!’’ sabi ni Ginger na hindi  pa rin makapaniwala sa biglang pagbabalik ng kanyang itsura. Parang nalusaw ang lumulukob sa kanyang katawan.

“Tama si Tandang Nado. Ito ang magpapagaling sa iyo, Ginger!’’

“Sino si Tandang Nado, Anton?’’

‘‘Siya ang nagbigay ng bato at orasyon. Sinadya namin ang matanda sa Bgy. Daang Demonyo.’’

‘‘May kasama ka sa pagtungo roon?’’

‘‘Oo. Isang mabait na lalaki. Siya lamang ang tumulong sa akin. Malaki ang utang na loob ko kay Mulong.’’

“Gusto kong makita sila, Anton at nang makapagpasalamat – lalo kay Tandang Nado.’’

“Kapag magaling na magaling ka na, uuwi tayo sa probinsiya para makilala mo si Tandang Nado at Mulong.’’

“Magpapasalamat ako dahil nawala ang nagpapahirap sa akin. Ang akala ko, hindi na tayo magkikita Anton.’’

“Talagang pinagsikapan kong makausap si Tandang Nado para mapagaling ka.’’

Nasa ganun silang pag-uusap nang biglang pumasok ang mama ni Ginger at may sinabi sa kanila.

“Nabalitaan ko sa labas na namatay na ang kumulam sa iyo Ginger! Kanina lang daw!’’.

Hindi makapaniwala sina Anton at Ginger.

(Itutuloy)

GINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with