^

Punto Mo

Kalat mo, linis mo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN nga at natapos na ang halalan.

Sa kabuuan ayon nga sa PNP, ay naging mapayapa. 

Maliban sa ilang depektibong vote counting machines (VCMs) kung kaya nabalam ang pagboto ng ilan, walang naiulat na malalaki pang problema sa naganap na halalan.

O eh di tapos na, wait na lang sa mga ipoproklama.

Eto ngayon, bagama’t sa ilang lugar nagsimula na ang ­paglilinis sa basura na dulot ng nagdaang halalan, marami pa rin ang hanggang sa ngayon aba’y, nandon pa rin ang kalat.

Malaking hamon ito sa mga kumandidatong nanalo man o nagwagi na magkusa na sa paglilinis ng kanilang campaign materials.  Malamang  na hindi na kasi maaasahan ang mga natalo, kung meron mang kikilos dyan eh mangilan-ngilan. Ika nga eh wala na silang pakialam.

Kung paano sana na minobilisa nila ang kanilang mga tauhan sa pagkakabit ng kanilang campaign materials, pakilusin uli ang mga ito sa pagbabaklas at paglilinis.

Obligasyon yan ng mga kumandidato,  kung sino ang nagkalat siyang magligpit, at hindi ang kinalat nila, iba ang maglilinis.

Sa ilang araw sana ay tuluyan nang bumalik ang lahat sa normal.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with