^

Punto Mo

Pekeng doktor sa Venezuela, inaresto dahil stick ng lollipop ang ginagamit na contraceptive implant sa kanyang mga pasyente!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 38-anyos na lalaki sa Venezuela ang inaresto matapos magpanggap na doktor at magsagawa ng contraceptive implant surgery na stick ng lollipop lang naman pala ang inilalagay sa katawan ng pasyente!

Inireklamo  si Jose Daniel Lopez ng mahigit 25 kababaihan dahil sa inimplant nitong lollipop stick sa kanilang braso. Ayon sa isang nagreklamo, nagpakilala na isang OB-GYN si Lopez at nagsasagawa ito ng “Implanon” procedure sa murang halaga.

Ang Implanon ay isang contraceptive implant kung saan inilalagay ang isang maliit na device sa loob ng balat ng braso. Ang maliit na device ay nagre-release ng hormones na pumipigil sa pagbubuntis ng babae.

Saka lamang natuklasan ng biktima ni Lopez na peke ang Implanon na inilagay sa kanya nang siya’y biglang nabuntis ng kanyang asawa. Nang magpatingin siya sa totoong doktor, natuklasan na stick ng lollipop lamang pala ang inimplant sa braso niya. Magkahugis at magkasukat ang Implanon at ang stick ng lollipop.

Kumalat sa social media websites ang scam ni Lopez at ito ang naging dahilan para magtago ito sa El Castano, Aragua. Agad din naman siyang nahuli ng mga awtoridad.

Bago magpanggap na isang doktor, napag-alaman na ilang taon na nagtrabaho sa health centers sa La Victoria, Venezuela si Lopez at doon siya natutong magsagawa ng medical procedures. Sa kasalukuyan, nakapiit na si Lopez habang nililitis ang kanyang kaso.

vuukle comment

DOCTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with