^

Punto Mo

Ganti sa ‘Maritess’ na matandang dalaga

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Sa iisang kalye nakatira ang prostitute, matandang binata at relihiyosa ngunit tsismosang matandang dalaga.

Isang gabi mula sa trabaho, na-flat tire ang sasakyan ng matandang binata. Tamang-tama na tumirik ang sasakyan sa tapat ng bahay ng prostitute. Palibhasa ay malalim na ang gabi at pagod na pagod, hinayaan na lang ng matandang binata na naka-park doon magdamag ang kanyang sasakyan. Naglakad na lang ito papunta sa kanyang bahay.

Nang oras na iyon ay hindi makatulog ang tsismosang matandang dalaga. Ang bahay niya ay katabi ng bahay ng prostitute. Binuksan niya ang bintana upang magpahangin. Natanaw niya ang kotse ng matandang binata na nakaparada sa tapat ng bahay ng prostitute.

Nagmalisya ang tsismosa. Lalo pang lumaki ang kanyang hinala nang kinabukasan ng umaga ay nakita niyang nag-uusap ang prostitute at matandang binata. Lingid sa kaalaman ng tsismosa, humihingi ng paumanhin ang lalaki sa prostitute sa pagkakaparada ng kanyang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Ang eksena ay binigyan ng masamang ibig sabihin ng tsismosa. Kagaya ng dapat asahan, kumalat sa buong kalye na sa sobrang desperado ng matandang binata, kahit prostitute ay pinapatulan na nito.

Naisip ng matandang binata na hindi makabubuti kung tatalakan niya ang tsismosa. Tatanggi lang ito na siya ang nagkalat ng tsismis. Lalabas pang ungentleman siya na pumapatol sa babae. May naisip siyang paraan para mabigyan ito ng leksiyon. Isang gabi na malalim na ang tulog ng mga kapitbahay, ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ng tsismosa.

Kinaumagahan, habang tulog pa ang tsismosa, lihim na pumasok sa bakuran nito ang matandang binata. Ang tapat ng bahay ng tsismosa ay bakery na maraming taong bumibili ng pandesal tuwing umaga. Nang marami nang kostumer sa bakery, lumabas ng bakuran ng tsismosa ang matandang binata na nakapantulog pa. Sinadya niyang magpakita sa mga tao habang lumalabas ng gate at umaakyat sa kanyang kotse. Saka niya pinaandar ang sasakyan at umuwi sa kanyang bahay.

Maya-maya, lumabas na ang tsismosa sa kanyang bahay para bumili ng pandesal. Takang-taka siya kung bakit nakairap sa kanya ang mga tao at may nagpaparinig pa ng: Ipokrita!

vuukle comment

MARITES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with