^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAYA-MAYA dumating si Bino. May pasan na isang buwig ng latundan na manibalang na. Nasa bakuran si Reagan at sumasagap ng sariwang hangin.

“Puwede nang kainin ito bukas Manedyer,’’ sabi ni Bino at ibinaba ng saging sa papag.

“Hinog sa puno ano Bino. ‘Yan ang masarap dito sa probinsiya. Sariwa lahat.’’

‘‘Oo Manedyer. Siya-nga pala ikukuha kita ng buko. Masarap ang sabaw ng buko.’’

“Sige Bino. Kanina pa nga ako nauuhaw.’’

Sumungkit si Bino ng buko o mura sa likod ng bahay. Pagkatapos ay biniyak at kinuha ang sabaw. Inilagay sa malaking plastic na lalagyan ang sabaw.

Inabutan ni Bino ng sabaw si Reagan.

Ininom ni Reagan.

‘‘Sarap talaga ng sabaw. Isa pa, Bino. Nasabik ako sa sabaw.’’

Tinakalan ni Bino.

Ininom ni Reagan.

‘‘Palagay ko magtatagal ako rito, Bino.’’

‘‘Mabuti naman Manedyer para may tao sa bahay mo. Ma-ganda rin kasi na may nakatira para hindi masira. At saka mas masaya kapag narito ka. Mayroon na akong makakakuwentuhan.’’

Nagtawa si Reagan.

“Oo nga. Nasasabik na rin ako sa mga kuwentuhan natin.’’

‘‘Kuwentuhan mo uli ako ng mga excapades mo sa Saudi, Manedyer.’’

Nagtawa si Reagan at tinapik sa balikat si Bino.

‘‘Sige, marami pa akong ikukuwento sa’yo Bino. Para masarap ang kuwentuhan natin e kailangan may iinumin tayo. Yung medyo malalasing tayo, ha-ha-ha!’’

“Lambanog Manedyer, gusto mo.’’

“Huwag matapang yun.’’

“Tuba, gusto mo.’’

“Sige.’’

“Mamaya hahanap ako ng tuba. Yung bagong kuha sa puno para manamis-namis.’’

‘‘Sige. Hintayin kita. Marami akong dalang delata na pulutan.’’

“Okey manedyer.’’

Pag-alis ni Bino ay naupo muli si Reagan sa silya at pinagmasdan ang mga tanim sa paligid. Nakakarelaks.

Baka nga magtagal siya rito. Dito muna siya. Kahit nag-iisa walang problema. Hindi na rin siya mag-iisip na humanap ng iba pang babae. Tama na ang mga karanasan niya sa 12 babae. (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with