_pang-masa
^

Gaano katagal maaring singilin ang utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - June 15, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Nagpautang po ako sa aking kaibigan noong 2019 pa. Bukod po sa nangya-ring pandemic ay umalis na rin po ako papuntang ibang bansa para magtrabaho kaya hindi ko pa siya nasisingil hanggang ngayon. Maari ko pa ba siyang singilin kahit napagkasunduan namin na dapat ay bayad na siya noong isang taon pa? — Liza

Dear Liza,

Maari mo pa ring singilin ang kaibigan mo. Mabuti nga’t nakalipas na ang takdang panahon ng pagbabayad niya dahil ibig sabihin nito ay matagal ka ng may karapatang singilin siya para sa kanyang pagkakautang. Kung sakali kasing hindi pa dumarating ang napagkasunduan n’yong panahon ng kanyang pagbabayad ay wala ka pang karapatang maningil at magsampa ng reklamo laban sa kanya.

Kailangan ay magpadala ka muna ng demand letter kung saan binibigyan mo ang kaibigan mo ng panahon para bayaran ang halagang inutang niya sa iyo kasama na ang anumang interest o tubo na maaari mong ipatong base sa inyong napagkasunduan, kung mayroon man.

Kung pagkatapos ng panahong ibinigay mo ay hindi pa rin siya nagbabayad, maaari ka nang magsampa ng kaso sa korte upang mabawi ang ipinautang mo. Alinsunod sa Article 1144 ng Civil Code, mayroon kang 10 taon mula nmang ipadala mo ang demand letter para isampa ang kaso kung nakasulat ang inyong kasunduan para sa pagpapautang.

Kung wala naman kayong pinirmahang kasulatan, may anim na taon ka lamang para makapagsampa ng kaso base sa Article 1145.

DEBT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with