^

Punto Mo

Ano ba ang constructive dismissal?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Five years na po ako sa aking trabaho. Kamakailan ay sinabihan po ako ng management na sa probinsya na muna ako idedestino para asikasuhin ang bagong tayo naming warehouse. Maari ko po bang ireklamo ang pagdestino sa akin sa probinsya? Sa tingin ko po kasi ay pinag-iinitan lang po ako ng management dahil minsan na po akong nagreklamo dahil laging delayed ang sahod namin. —Ted

Dear Ted,

Matatawag na ‘‘constructive dismissal’’ ang pagdestino sa iyo sa malayong lugar kung ito ay malinaw na ginawa bilang diskriminasyon laban sa iyo o upang ikaw ay mapilitang mag-resign. Matatawag din na constructive dismissal kung ang pagdestino sa iyo sa malayo ay may kasamang demotion o kaya naman ay magdudulot ito ng kabawasan sa iyong sinasahod.

Iyon nga lang, kailangang may pruweba ka upang mapatunayan ang mga nabanggit kung balak mong magreklamo ng constructive dismissal.

Sa ilalim kasi ng ating batas, may tinatawag na management prerogative ang mga employers. Ang management prerogative  ay ang karapatan ng employer na magdesisyon sa lahat ng aspeto ng kanyang negosyo upang epektibo niyang mapamahalaan at masigurado ang kapakanan nito.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng  Mendoza vs. Rural Bank of Lucban (G. R. No. 155421, July 7, 2004) at Benguet Electric Cooperative vs. Fianza (G. R. No. 158606, March 9, 2004), ang paglilipat sa mga empleyado sa ibang lugar ay kabilang sa management prerogative ng isang employer kaya hindi ito labag sa batas basta hindi made-demote ang empleyado sa gagawing paglipat sa kanya sa ibang lugar at hindi mababawasan ang kanyang sahod at iba pang mga benepisyo.

Bukod dito, hindi rin dapat ginawa ang paglilipat bilang diskriminasyon o parusa, at hindi rin ito sinadya upang mapilitan ang empleyado na tuluyan na lang umalis na lang sa trabaho. Sa madaling sabi, ipinalipat dapat ang empleyado sa ibang lugar dahil kailangan talaga ito para sa ikabubuti ng negosyo.

Sa madaling sabi, bago ka magsampa ng reklamo ay siguraduhin mo na may ebidensiya ka na pinag-iinitan ka lang kaya inilipat ka sa malayong lugar, katulad ng kutob mo. Kung hanggang hinala ka lang kasi ay kakatigan ng batas ang kompanya mo, na may karapatan sa ilalim ng ating batas na magpadala ng empleyado sa malalayong lugar kung para naman talaga ito sa kapakanan ng negosyo.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with