^
EDITORYAL â Natangay ng galit

EDITORYAL – Natangay ng galit

(Pang-masa) - May 5, 2021 - 12:00am

NAGPAUMANHIN umano si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang mga sinabi sa China noong Lunes. Sabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, natangay lamang daw ng galit si Locsin kaya nagsalita ito nang walang kagatul-gatol laban sa China. Pinag-ugatan ng galit ni Locsin ay ang patuloy na panana­tili ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) na sakop ng 370-kilometer exclusive economic zone (EEZ).

“China, my friend, how politely can I put it? Let me see … O … GET THE FUCK OUT. What are you doing to our friendship? You. Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province…” Ito ang sinabi ni Locsin Jr. sa kanyang Twitter account.

Noon pa man, sagad na ang galit ni Locsin sa presensiya ng daang Chinese vessels. Dalawang beses nang nag-file ng diplomatic protests si Locsin­ laban sa China subalit binabalewala ng China. Lalo pang nagpanting ang taynga ni Locsin nang malaman na 240 Chinese vessels ang nasa Julian Felipe Reef. Katwiran ng Chinese ambassador to the Philippines, sumisilong lamang sa reef ang mga barko. Nag-file muli ng protesta si Locsin laban sa China.

Pati si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay napi­kon na rin sa ginagawa ng Chinese vessels sa Julian Felipe Reef kaya sinabihan ang mga ito na umalis na. Sabi ni Lorenzana, hindi siya tanga para maniwalang sumisilong sa reef ang mga Chinese vessels.

Nagpaumanhin man si Locsin sa mga sinabi sa China, wala nang magagawa sapagkat ang nasabi ay nasabi na. Nakapag-ingay na siya at mabuti na ito para malaman ng China na sumusobra na sila. Dapat silang umalis sa teritoryo na napagwagihan ng Pilipinas noong 2016. Mabuti ang pag-iingay ni Locsin sapagkat siya ang sumasalo sa katahimikan ni President Duterte na tumatanaw ng utang na loob sa China dahil sa maraming bagay kasama na ang bakuna. Sana matangay pa uli ng galit o poot si Locsin.

TEODORO LOCSIN JR WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with