^

Punto Mo

Magtuluy-tuloy ka lang!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

“KUNG ikaw ay magre-recruit ng sinuman, tiyakin mong siya ay dumanas na ng kabiguan.”

Ito ang prinsipyong ginagamit ng isang sales manager kapag nagre-recruit siya ng sales representative para sa kanilang kompanya. Mas maraming sugat, mas tumatapang. Parang sundalo sa gitna ng giyera.

Nalugi ang unang automobile business ni Henry Ford. Nagtayo na naman siya ng pangalawang kompanya at kagaya ng nauna, nalugi siyang muli. Pero sa ikatlong pagkakataon ay tiniyak niyang huwag nang “tumatlong palpak”. Naumay siya sa kabiguan kaya’t sinikap naman niyang maiba ang kapalaran. Bunga ng gigil na magtagumpay, naitatag niya ang isang kompanyang titingalain ng balana, ang Ford Motor Company.

Noong 1940, ang ideya ni Chester Carlson ay tinanggihan ng 20 kumpanya. Matapos ang pitong taon pagbabakasakali, may nagtiwala sa ideya ni Carlson. Sa kanyang utak nagmula ang Xerox machine.

Bumagsak ang negosyo ni Abraham Lincoln noong 1831. Natalo sa lehislatura noong 1832. Bagsak na naman sa negosyo noong 1833. Natalo sa pagka-speaker noong 1838. Tumakbo ng tatlong beses sa kongreso at tatlong beses din natalo. Dalawang beses natalo sa senado at isang beses sa pagka-bise presidente. Ang kahuli-hulihang kabiguan niya sa pulitika ay noong 1858. Pagkatapos ng dalawang taon,  kinaawaan na si Abe ng Diyos at nagtagumpay din sa wakas. Siya ang nagwagi bilang ika-16 na Presidente noong 1861. Ngayon, siya ay kinikilalang  isa sa pinakadakilang Presidente ng United States.

Katakut-takot na pintas ang inabot ng isang aplikante mula sa executive ng Universal Pictures. Kesyo malaki ang kanyang Adam’s apple, mabagal magsalita at nakausli ang mga ngipin na parang sa rabbit. Aba, sino bang mag-aakala na sa kabila ng mga kapintasang nabanggit, isang pangalan sa puting tabing ang sasambahin—siya si Clint Eastwood.

“Success is not final; failure is not fatal: It is the courage to continue that counts.”– Winston S. Churchill

vuukle comment

MANAGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with