^

Punto Mo

Aplikante

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG lalaking lihim na lasenggo ang nag-aplay sa isang kompanya ng alak bilang taga-tikim. Nadatnan niya sa opisina ang director ng winery, misis nito at ang kanilang seksi, blondeng sekretarya. Binigyan kaagad ang lalaki ng exam:  wine tasting.

Tatlong iba’t ibang alak ang sunud-sunod na ipinatikim sa lalaki. Tinikman ang unang baso na iniabot ng sekretarya.

“Muscat, 3 years old, matured in steel container, low grade pero puwede na.”

“Correct,” sabi ng director.

Muling iniabot ng sekretarya ang ikalawang baso at saka tinikman ng lalaki.

“Cabernet, 8 years old, napreserba sa oak barrel sa temperaturang 8 degrees. Kailangan pa ng dagdag na 3 years aging para lalong sumarap.”

“Correct,” sabi ulit ng director.

Lihim na humanga ang director. Napaka-genius ng panlasa ng lalaki.

Iniabot ng sekretarya ang ikatlong baso. Tinungga ito ng lalaki.

“Pinot Blanc Champagne, high grade and exclusive.”

Nainggit ang director sa sobrang galing ng aplikante kaya sumenyas siya sa sekretarya. Umalis sandali ito at maya-maya ay may bitbit na itong baso na may laman. Lingid sa kaalaman­ ng lalaki, ito ay ihi ng sekretarya. Naamoy ng lalaki na hindi na  alak ang laman ng baso. Kun­wari’y inilapit niya ito sa labi at saka nagsalita:

“Ihi mula sa blondeng sekretarya, buntis ng tatlong buwan, at ang ama ay ang director na kaharap ko.”

Nag-react agad si Misis, pinandilatan nito ang director at sekretarya.

“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?” tanong ng nahihintakutang director.

Ngumisi ang lalaking aplikante. Humarap ito sa Misis.

“Mam, i-pregnancy test mo ang sekretaryang ‘yan, para malaman mo ang katotohanan ng aking sinasabi. Ang dating boyfriend ng magaling na babaeng iyan ay aking kapatid na nakaburol ngayon dahil nagpakamatay matapos malamang nabuntis ng asawa mo.”

Tumalikod ang lalaki sabay alis. Bahagya itong napaluha para sa kanyang kapatid. Gusto sana niyang sugurin at barilin kanina ang sekretarya at ang boss nito ngunit nabasa niya ang malaking announcement sa labas ng building na nangangailangan ang kompanya ng wine taster kaya iniwan niya ang baril sa kotse. Lalong nabago ang plano nang makita niyang kumpleto ang casting: wife, husband, kabit. Naisip niyang laruin ang mga ito at maghiganti sa mapayapang paraan. Tapos umayon pa sa pangyayari ang pagpapainom sa kanya ng ihi ng walanghiyang sekretarya.

Nakakailang hakbang pa lang siya palabas ng building, nang  may narinig siyang dalawang magkasunod na putok ng baril. Napangiti ang lalaki.

           

vuukle comment

APPLICANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with