^

Punto Mo

Hindi ako susuko (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAKALIPAS ang isang taon at ikinasal sina Reagan at Hillary. Si Boss Franklin ang ninong at tinupad nito ang pangako na siya ang sasagot sa reception at maski sa hotel na pagdarausan ng honeymoon. Masayang-masaya sina Reagan at Hillary.

Dumating din mula sa Dubai si Sir George ang pamangkin ni Sir Abe dahil isa rin ito sa sponsors.

Nalaman na rin pala ni George ang nangyaring pagpapakamatay ni Thelma Jefferson.

 

ILANG buwan ang nakalipas, busy si Reagan sa kanyang opisina nang may sabihin ang security sa lobby na may naghahanap sa kanyang lalaki na nasa wheelchair. May kasama raw itong anak. Gustung-gusto raw siyang ma­kausap. Mahalaga raw.

Sinabi ni Reagan na pa­ak­yatin ang lalaki.

Ilang minuto ang makalipas at nakaharap niya ang lalaki.

“Ako si Washington, Mr. Reagan. Anak ako si Sir Abe.’’

Hindi makapaniwala si Rea­gan. Alam niyang may da­la­wang anak na lalaki si Sir Abe. Pero sabi ni George ay nagkasakit daw ang dalawa dahil sa ginawang pagkamkam ni Thelma sa mga minana nito.

“Kapatid ako ni Thelma Jef­ferson, Mr. Reagan. Nag-iisa na lamang ako. Patay na ang dalawa kong kapatid.’’

“Ano po ang maipaglilingkod ko, Sir Washington?’’

Inilabas ni Washington ang isang lumang picture.

“Picture ito ng papa ko – si Abraham o Abe. Nakikiusap ako na ipinta mo siya para sa akin. Parang awa mo na. Wala akong alaala sa aking ama. Makaaasa ba ako, Mr. Reagan?’’

“Opo. Gagawin ko po Sir Washington.’’

“Salamat Mr. Rea­gan. Napakabuti mo. Pag­palain ka ng Diyos.’’

“Bigyan mo po ako ng dalawang linggo para magawa ito. Dadalhin ko mismo sa tirahan mo.’’

“Salamat, Mr. Reagan.’’

Pinagmasdan ni Rea­­gan ang black and white photo ni Sir Abe na iniabot ni Washington. Nakangiti si Sir Abe sa picture. Natutuwa marahil sa kabutihan niya sa kahilingan ng anak na si Washington.

(BUKAS, ABANGAN ANG ISANG PANG BAGONG NOBELA NI RONNIE M. HALOS)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with