^

Hindi ako susuko (142)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

HABANG ang lahat ay masayang kumakain, nag­salita si Boss Franklin. Nagpasalamat ito sa lahat ng mga dumalo. Nagpasalamat din sa Diyos dahil sa pagbibigay nang mahabang buhay at sa mga ipagkakaloob pa. At special mention si Reagan. Itinuro pa ang kinaroroonan niyang mesa kaya ang mga bisita ay nakatuon ang pani­ngin sa kanya.

“Siya po ang kasakuyang Chief Executive Officer ng kompanya na aking pinaglingkuran sa loob nang maraming taon – si Reagan Buenviaje. Napakahusay po ng taong yan. Napakasipag at masyadong matiyaga. Hindi po siya sumusuko sa mabibigat na hamon ng buhay. Katulad ko rin siya na naabot ang tagumpay dahil sa pagsisikap pero mas mabigat ang dinaanan ni Reagan kaysa sa akin. Nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa pagtitinda ng kanyang artworks. Para po sa inyong kaalaman, si Reagan ay isang mahusay na painter. Marami na siyang naipinta at karamihan ay ginawa niya noon siya ay estudyante pa lamang. Itinitinda niya ang artwork sa harap ng simbahan sa kanilang bayan. Ang kanyang napagbentahan ang ginamit niya para makatapos ng pag-aaral. Napakasipag niya at hindi talaga sumusuko. Napagtapos din niya ang kanyang tatlong kapatid dahil sa kanyang husay sa pagpipinta.

“Para makita n’yo kung ga­ano siya kahusay sa pagpi­pinta, ipakikita ko ang kanyang orihinal na ginawa. Ito po ang niregalo niya sa akin. Labis ang katuwaan ko sa kanyang ginawang ito. Ito po ang kanyang ginawang painting…’’

Sinenyasan ni Boss Franklin ang isa niyang kasambahay at dinala sa gitna ang painting ni Reagan.

Marami ang napa-wow sa paghanga.

At saka napatingin sa kanya.

Marami ang pumalakpak kay Reagan at ganundin kay Boss Franklin. Nakilala nang husto si Reagan nang gabing iyon. Maraming humanga sa ganda ng painting na regalo niya kay Boss Franklin.

Natapos ang masayang gabi.

Hindi malilimutan ni Rea­gan at Hillary ang gabing iyon.

MAKALIPAS ang ilang araw, nag-date sina Reagan at Hillary. Sa paborito nilang seafood restaurant sila kumain.

‘‘Wala na akong mahihi­ling pa, Hillary. Ibinigay na lahat sa akin ng Diyos.’’

“Ako man, Reagan. Ibi­nigay na rin niya sa akin ang isang mabait na nobyo na nakatakda ko nang maging asawa. I love you!’’

(Tatapusin)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with