^

Hindi ako susuko (139)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

HABANG ipinipinta ni Reagan si Sir Franklin, naiisip niya ang kabaitan nito. Maraming nagawa sa kanya ang mabait na boss. Simula pa lamang nang interbyuhin siya nito nang mag-aplay siya. Unang pagkakita pa lamang niya kay Boss Franklin ay magaan na agad pakiramdam niya rito. Damang-dama agad niya na mabuti at maunawain itong tao. At hindi nga siya nagkamali sapagkat ito ang nagbigay sa kanya ng break.

Wala pa siyang isang taon sa kompanya ay na-promote agad siya. Hindi niya akalain sapagkat mas mayroon pang senior sa kanya. Pero sabi ni Boss Franklin, qualified na qualified siya sa posisyon at mas marami siyang nalalaman kumpara sa iba.

Nasundan pa ang kanyang pag-akyat sa posis­yon. Hindi naman binigo ni Reagan ang pagtitiwala sa kanya ni Boss Franklin at ginampanan niya nang buong husay ang posisyong iniatang sa kanya.

At ngayon nga, siya na ang Chief Executve Officer ng kompanya na dating hawak ng mabait na boss. Hindi siya makapaniwala. Siya ang pinakabatang CEO. Yun ay dahil sa pagtitiwala sa kanya ni Boss Franklin.

Kaya nga isang portrait painting ang ireregalo niya sa mabait na boss. Pinaghusayan niya ang pagpipinta. Bawat detalye ay kanyang pinagbuhusan ng oras. Maingat na maingat. Gusto niya ay walang makikitang pangit ang reregaluhang boss.

Nang matapos, niyaya niya si Hillary sa tirahan at ipinakita ang kanyang obra. Gusto niya si Hillary ang unang makakita at magbigay ng reaksyon.

Hindi makapaniwala si Hillary nang makita ang portrait.

“Ang ganda Reagan. Perfect na perfect. Akala mo, pinalaking photo. Lahat ay detalyado. Masinop na masinop.’’

“Sa palagay mo Hillary, hindi ito nakakahiyang ire-galo sa birthday ni Bossing?’’

“Hindi! Tiyak na matutuwa yun! Baka ipromote ka uli nun, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Reagan.

‘‘Kailan nga ba ang bday ni Bossing, Reagan?’’

“Next month pa. Ginawa ko nang mas maaga para kung may mali o di maganda ay mareretoke ko.’’

“Palagay ko, wala na Reagan.’’

“Bago ko ipa-frame e gusto ko, maayos na maayos.’’

“Wala na akong nakikitang kulang.’’

“Isang linggo bago ang bday e saka ko ipapi-frame.’’

“Sige sasama ako.’’

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with