^

Hindi ako susuko (138)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

MAKALIPAS ang isang buwan, hindi inaasahan ni Reagan ang sinabi ni Boss Franklin. Masinsinan siyang kinausap nito.

“Ikaw na ang CEO ng kompanyang ito, Reagan, effective next month.’’

Hindi nakapagsalita si Reagan. Parang pansamantala siyang nawala sa wisyo.

“Ako po Sir ang CEO?’’

“Yes! Ikaw Reagan.’’

“E paano po ikaw Sir? Ano na po ang posisyon mo?’’

“Retired na ako. At para umunlad pa ang kompanyang ito, dapat ipasa ang trono sa mga katulad mong hindi sumusuko – sa mga katulad mong dedicated at may pagmamahal sa trabaho. Alam kong kayang-kaya mo ang posisyon, Reagan. Kilalang-kilala na kita. Isa pa, kailangan ng kompanya ang mga katulad mong may bago at malawak na pag-iisip. Ang mga laos na katulad ko e dapat nasa bahay na lang, ha-ha-ha!’’

“Pero malakas at matikas ka pa Sir. Marami ka pa pong magagawa.’’

“Oo malakas pa ako pero dumarating din sa akin yung parang nagsasawa na sa araw-araw na gawain dito. Kapag ganun, senyales na iyon na dapat magretiro na at ipaubaya sa mga kabataang tulad mo ang pamamahala. At tamang-tama ka naman sa posisyon, so, bakit pa patatagalin. Ikaw na ang bagong CEO.’’

“Marami pong salamat Sir. Marami ka na pong nagawa sa aking kabutihan.’’

“Mahusay ka kasi kaya ganun – at ang mga mahu­husay ay dapat binibigyan ng pagkakataon. Okey Reagan?’’

Tumango si Reagan.

Kinamayan siya nang mahigpit ni Bossing Franklin.

ISANG buwan bago ang birthday ni Boss Franklin, isang portrait nito ang ginawa ni Reagan. Sosorpresahin niya ang mabait na boss.

Hinusayan niya ang pagpipinta para ito masiyahan.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with