^

Hindi ako susuko (137)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

“HINDI ko ipagbibili ang painting na ‘yan Reagan. Masuwerte sa akin ‘yan. Di ba ikinuwento ko sa’yo na mula nang ibigay mo sa akin ‘yan, sunud-sunod ang magagandang nangyari sa aking buhay. May hatid na suwerte yan,’’ sabing seryoso ni Bossing Franklin.

“Nagbibiro lamang po ako Sir. Alam ko po na hindi mo ipagbibili yan. Noon pa alam kong mahal na mahal mo ang Sir Abe painting, Sir.’’

“Hindi lamang ang Sir Abe painting ang mahal ko Reagan, lahat nang artwork mo ay mahal ko at gusto kong magkaroon ng koleksiyon.’’

“Ganun po ba, e ‘di dalawang painting ko pa ang ibibigay ko sa’yo Sir. Di ba sabi ko sa’yo mayroon akong ibibigay na painting na si Hillary ang model, dadagdagan ko pa iyon ng isa para masulit ang iyong kasiyahan. Maaari nang mapuno itong gallery mo Sir.’’

Napahalakhak sa sobrang saya si Boss Franklin.

“Ang bait mo talaga Ina­anak? Siyanga pala, talaga bang handang-handa na kayo sa wedding next year?’’

“Opo Ninong,” sagot ni Hillary.

“Kung ganun, sagot ko na ang pagdarausan ng reception at ang hotel room na pagdarausan ng honeymoon.’’

Hindi makapaniwala  sina Reagan at Hillary.

“Napakabait mo Ninong,” sabi ni Reagan.

“Kasi’y mabait ka rin sa akin. Love begets love ‘di ba? Kung kabaitan ang ibinig­ay mo sa akin, kabaitan din ang ipapalit ko.’’

“Maligayang-maligaya po kami Ninong,” sabi ni Hillary.

“Masuwerte ka Hillary sa pagkakaroon ng mapapa-ngasawang tulad ni Reagan.’’

“Oo nga po Ninong.

Pero suwerte rin siya sa akin, dahil bukod sa mabait, malambing, mapagmahal ay maganda pa ako, he-he-he!’’

“Hindi ka nagsisinunga-ling Hillary, ha-ha-ha!’’

“Masuwerte kami ni Hil-lary dahil ikaw ang aming magiging ninong,’’ sabi ni Reagan.

Kinamayan niya nang mahigpit si Bossing.

(Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with