^

Hindi ako susuko (136)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - February 23, 2021 - 12:00am

HINDI na nakalkal pa ang mga nakatagong istorya ng Sir Abe painting­. Pero marami ang gustong makakita sa nasabing painting kaya nagdesisyon si Boss Franklin na magpagawa ng gallery sa kanyang malaking bahay sa Ayala-Alabang para doon masilayan ang pinag-uusapang painting.

Nang matapos ang ipinagawang gal­lery, inanyayahan ni Boss Franklin sina Reagan at Hillary na dumalo. Si Reagan ang nag-cut ng ribbon. Dumagsa ang mga tao na gustong makita ang painting. Lahat ay humanga sa painting na ginawa ni Reagan.

Maski si Hillary ay hindi makapaniwala sa painting.

“Ang husay nang pagkakagawa mo, Reagan. Anong medium ang ginamit mo at naipakita mo ang mga de­talye sa mukha ni Sir Abe.’’

“Katas ng prutas ‘yan, Hillary – katas ng duhat at ligaw na berry. Kinuha ko dun sa pinasyalan natin nun sa bukid. Maraming berry sa sapa.’’

“Talaga? Napakatalino mo Reagan. Akalain mong ma­isip mo ‘yun.’’

“Actually sinubukan ko lang ang katas ng prutas at umubra naman. Magandang lumabas.’’

“Pag-uwi uli natin sa pro­binsiya n’yo, katas ng prutas ang gamitin pag iginuhit mo uli ako.’’

“Oo, Hillary.’’

Lumapit si Boss Franklin sa kanila.

“Okey ba ang gallery ko, Reagan, Hillary?’’

“Sobrang ganda po Sir,” sagot ni Hillary.

“Marami na namang bumibili sa Sir Abe painting kahit na sinabi kong hindi ipinagbibili,’’ sabi ni Bossing.

“E kung ipag­bili mo kaya Sir?’’ tanong ni Reagan.

Tiningnan­ siya nang makahulugan ni Bos­sing.

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with