Hindi ako susuko (22)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

MAAYOS ang dining area. Malinis. Ang mesang kainan ay antigong narra. Makintab. Lima ang upuan na pawang narra rin.

“Maupo ka Reagan,” sabi ni Sir Abe.

Naupo si Reagan. Sa tapat niya naupo si Sir Abe.

Iniabot sa kanya ang bandehado ng kanin.

“Salamat sir,” sabi niya at sumandok ng kanin.

“Eto ang embutido. Ako ang gumawa niyan. Pati itong Sinantomas.” “ “Ikaw po lahat ang nagluto Sir?”

“Oo.’’

“Mula nang mamatay si Misis, pinag-aralan ko ang mga luto niya. Mahusay magluto ang misis ko. Kapag birthday niya ay marami kaming handa at siya lahat ang nagluluto. Ngayong nawala siya, dalawang putahe na lang ang handa – ‘yan ngang embutido at Sinantomas.’’

Iniabot sa kanya ni Sir Abe ang Sinantomas. Kinuha ni Reagan at sumandok.

Nagsimula silang kumain.

“Ang sarap po nito, Sir Abe.’’

“Salamat. Tikman mo itong embutido.’’

Iniabot sa kanya.

Kumuha si Reagan.

Tinikman niya.

“Masarap din po.’’

“Salamat uli,’’ at nagtawa si Sir Abe.

Nakitawa si Reagan.

Maya-maya, tumayo si Sir Abe.

“Hindi ko pa pala nakikita ang ginawa mong wedding portrait. Teka at kukunin ko.’’

Nagtungo sa salas si Sir Abe para kunin ang portrait.

Nang bumalik ay hawak na ang wedding portrait.

“Napakahusay mo talaga, Reagan. Parang original na photo ito.’’

“Salamat po.’’

“Paano ka nakakagawa ng ganito kagandang art?’’
“E basta po gumuguhit ako at ‘yan po ang kinalabasan.’’

“Talagang talent mo ang paggguhit ano?’’

“Siguro po.’’

“At wala ka pang pormal na edukasyon sa pagguhit. E ‘di mas lalo kung nakapag-aral ka. Baka talunin mo pa ang ibang artist.’’

“Hindi naman po siguro.’’

“Naku tatalunin mo. E talagang mahusay ka, Reagan.’’

“Hindi naman po Sir.’’

“Mapagkumbaba ka pa. ‘Yang mga ganyang ugali ng bata ang mga sinusuwerte. Tandaan mo ang sinabi ko, Reagan.’’ (Itutuloy)

 

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with