Pinakamalaking pit bull sa mundo
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

ISANG pit bull sa New Hampshire, USA ang sinasabing pinakamalaki sa buong mundo.

Ang pit bull na si Hulk ay may bigat na 173 pounds.

Sa kabila naman ng kanyang laki, napakaamo naman ni Hulk ayon sa amo nito na si Marlon Grannan, na nagtratrabahong trainer ng mga aso na gamit sa law enforcement.

May tiwala raw siya kay Hulk dahil sa training na ibinigay niya rito. Ito ang dahilan kung bakit buong tiwala niyang hinahayaan ang kanyang anak na makipaglaro sa higanteng pit bull.

Si Marlon at ang kanyang asawa ay parehong trainer ng mga aso at sila ang nagpalaki kay Hulk.

Hindi na sila masyadong nagulat sa naging laki nito dahil sadyang breeder sila nang malalaking aso na kailangan ng mga pulis at sundalo.

Kumakain si Hulk ng 4 pounds ng karne araw-araw kaya naman naging dambuhala ito.

Ipinaalala naman ng pamilya Grannan na hindi biro magpalaki ng pit bull kaya kailangan ng mga gustong mag-alaga ng nasabing breed ng aso ng sapat na kaalaman kung paano ang tamang training para sa mga asong ito.

PIT BULL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with