^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NATANGGAP agad si Ziarah sa kompanya nina Jonas. Bukod sa mahusay siya, malakas din ang kanyang backup na walang iba kundi si Jonas.

Masayang-masaya si Ziarah sapagkat isang pa-ngarap na naman niya ang natupad --- ang makapagtrabaho sa isang matatag na kompanya.

Pero sa lahat ng pangarap na kanyang natamo ang pinakagusto niya ay ang matamis nilang pag-iibigan ni Jonas. Walang makakatulad ang pagmamahalan nila ni Jonas.

At ngayong may trabaho na siya, ang pag-iisang dibdib na lang nila ni Jonas ang pinaghahandaan nila.

Pinaplantsa na nila ang mga plano para sa kanilang kasal. Gusto ni Jonas ay simpleng kasalan lang. At siya man ay ganundin. Dalawang ninong at ninang at ilang kaibigan lang ang iimbitahin. Tama na yun.

Ang mas mahalaga ay mabendisyunan sila ng pari bago magsama. Bago niya isuko ang “sarili” kay Jonas, gusto niya ay may basbas na sila ng pari. Wala namang tutol si Jonas.

ISANG araw ng Linggo, naisip ni Ziarah na biruin si Jonas. Habang nagbabasa ng diyaryo si Jonas sa salas ay nagtago si Ziarah. Titingnan niya kung ano ang reaksiyon ni Jonas kapag napansin na wala siya. Iti-test niya kung paano ito magre-react sa pagkawala niya.

Sa loob ng aparador siya nagtago --- sa aparador na pinagtaguan niya noon.

Pinagkasya niya ang katawan sa aparador. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with