Engineer sa UK, humarurot sakay ng basurahan
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 30, 2020 - 12:00am

NAGTALA ang British engineer na si Andy Jennings ng bagong world record matapos siyang humarurot ng halos 70kph habang sakay ng isang basurahan.

Nagawa niya ito sa pamamagitan ng paglalagay sa basurahan ng makina ng motor, gear box, ignition, bike seat, at steering na kinuha niya mula sa isang scooter.

Umabot sa higit 69 kilometro kada oras ang bilis ni Andy habang sakay ng basurahan nang pinaharurot niya ito sa Elvington Airfield sa York, England.

Ayon sa kanya, ginawa niya ang record attempt para sa alaala ng kanyang best friend na si  Ben Ellis na namayapa nito lamang nakaraang Hunyo.

Alam daw niyang ipagmamalaki raw siya nito para sa kanyang nagawa kung nabubuhay pa ito.

ENGINEER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with