^

Punto Mo

Buong mundo nahahati sa bakuna laban sa COVID?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HABANG patuloy ang pag-eeksperimento sa mga posibleng mas mabisang bakuna laban sa COVID-19 sa iba’t ibang bansa, tila naman nahahati ang mga tao sa maraming bahagi ng mundo sa usapin kung papayag ba silang magpabakuna sakaling meron na nito. Magkakaiba ang kanilang mga pananaw at paniniwala.

Lumilitaw sa isang bagong survey na isinagawa  ng market research team na Ipsos para sa World Economic Forum noong Hulyo 7, 2020 hanggang  Agosto 24, 2020 na 74% ng 20,000 adult sa 27 bansa na sinaklaw nito ang nagsabing magpapaturok sila sa bakuna laban sa COVID-19 kung meron na nito. 59% ang hindi umaasa na magkakaroon na ng bakuna bago matapos ang taong ito.  May 56%  ng mga sinaklaw ng survey ang nagsaad na hindi sila magpapabakuna dahil nababahala sila sa side effect nito habang 29% ang nagdududa sa pagiging epektibo ng naturang bakuna sakaling maimbento na ito.

Kunsabagay,  27  bansa lang ang sinaklaw ng survey na napakaliit kung isasaalang-alang na merong mahigit 195 bansa sa mundo bagaman nakakapaglarawan kahit paano ng reaksiyon ng iba’t ibang tao sa pinakaabangang bakuna para makabalik na tayo sa dating normal na buhay. Maaaring kailangan pa ang ibang mas malawak pang pananaliksik para mapatibayan  ang resulta ng survey.

Hindi kasama ang Pilipinas sa survey pero mahihiwatigan sa social media ang komento ng ibang mga Pilipino na merong nag-aagam-agam o tatangging magpabakuna at merong nagmumungkahing mauna muna ang mga opisyal ng gobyerno sa pagpapaturok ng vaccine.

Sa survey, pinakamarami sa United States, Germany, Italy at Sweden ang tutol sa bakuna na umabot sa 33% ang nagsasabing hindi sila tatanggap nito kung sakaling meron na.

Nangunguna ang mga respondent mula sa China (na pinagmulan ng virus)  na pabor na 97% ang nagsabing magpapaturok sila ng bakuna kung meron nang nakalaan. Sa Russia naman na kamakailan ay nagdeklarang inaprubahan na nito ang isang klase ng bakuna laban sa COVID-19, halos kalahati ng mga Ruso ang walang planong magpabakuna.

Sinabi ni Arnaud Bernaert ng World Economic Forum  na ang pagbaba ng kumpiyansa sa bakuna ay makakakompromiso sa pagpapakalat ng bakuna laban sa COVID-19 kaya mahalagang magsama ang mga pamahalaan at pribadong sector para makapagpalaganap ng kumpiyansa rito.

Marami umano sa mundo (59%) ang pesimistiko sa posibilidad na magkaroon na ng bakuna sa susunod na apat na buwan. Pero, bukod sa China, optimistiko rin ang mga bansang tulad ng Saudi Arabia (75%) at India (74%) na magkakaroon na ng bakuna sa pagtatapos ng taong ito.

Karaniwan nang kaalaman na umaabot nang maraming taon bago makagawa ng isang epektibong bakuna pero gumagawa ng paraan ang mga kaukulang dalubhasa at ibang kinauukulan para mas mapabilis ang proseso at makalikha na ng panlaban sa COVID-19 sa susunod na taon. Sana nga.

Email: [email protected]

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with