^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINASA ni Ziarah ang text messages ni Jonas: HINDI AKO MAKAKAUWI  NGAYON. OVERTIME AKO – JONAS.

Nakahinga nang maluwag si Ziarah. Nawala ang pagka-stress niya. Nawala rin ang galit niya at iba pang alalahanin.

Ang akala niya kaya ginabi si Jonas ay dahil kasama si Kat at dito sa bahay matutulog.

Nagdulot sa kanya ng inis ang paghahanda sa mga gamit na kailangan sa pagtatago sa kuwarto niya habang narito si Kat. Napagod siya sa akyat-panaog dahil sa pag-iistak ng tubig, biskuwit, asukal, kape at iba pa.

Nakahinga siya nang maluwag makaraang malaman   na nag-oovertime pala si Jonas at hindi kasama si Kat.

Sana nga ay hindi na ito kasama kahit kailan.

At sana, hindi na balikan pa ni Jonas ang babaing iyon.

Dapat ang nang-iwan ay hindi na pinatatawad pa. Tutal naman at ito ang unang nagpakita ng pagkasalawahan.

Kung mapagsasabihan lamang niya si Jonas ay sasa­bihin niya ang nilalaman ng kanyang dibdib.

Sasabihin niya rito na hindi magiging mabuting asawa si Kat. Ipinakita nang harap-harapan na may kasamang ibang lalaki. Isa lamang ang ibig sabihin, hindi ito kuntento sa isang lalaki. Paano kung mag-asawa na sila? Baka mahuli niya sa akto si Kat na may katalik na ibang lalaki sa kuwarto. Iniiputan siya sa ulo!

Kaya kung mapagsasa-bihan niya si Jonas, talagang isisiwalat niya ang lahat ng laman ng dibdib.

Kaso nga ay wala siyang karapatan na magsalita.

Kasambahay lamang siya.

Ano ba ang pakialam niya sa buhay ni Jonas?

Pero masasaktan siya kapag niloko ni Kat si Jonas. Baka umiyak siya sa pag­hihinagpis kapag nangyari iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with