Hipag ni Satanas
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - August 6, 2020 - 12:00am

KASALUKUYANG nagmimisa sa simbahan na puno ng mga tao nang biglang nagpakita si Satanas sa gitna ng altar.

Nagkaripasan nang takbo ang lahat ng tao sa sobrang takot. Parang winalis ang loob ng simbahan dahil walang natirang tao maliban sa isang matandang babae.

Humanga si Satanas sa tapang ng matandang babae. Hindi man lang ito natinag sa kanyang presensiya. Nilapitan niya ang babae at kinausap.

“Kilala mo ba ako?”

“Oo naman. Hindi ako tanga, ‘no! Ikaw si Satanas. Puwede ba, umalis ka sa harapan ko, inaabala mo ang pagdadasal ko sa Diyos.”

“Hindi ka natatakot sa akin?”

“Hindi!”

“Alam mo bang puwede kitang patayin sa isang salita ko lang?”

“Alam ko!”

“Alam mo rin ba na pwede kitang sunugin sa isang kumpas lang ng aking isang daliri?”

“Alam ko!”

“At hindi ka man lang nag-iisip na lumayo sa akin para maiwasan ang pananakit ko sa iyo?”

Humikab lang ang matandang babae saka nagsalita.

“Sanay na ako sa mga sinasabi mong pagpapahirap. I have been married to your brother for 60 years. Demonyo ang tawag sa kanya ng aming mga kapitbahay. Nakalimutan ko na nga ang tunay niyang pangalan dahil Satanas din minsan ang tawag ko sa kanya!”

SATAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with