^

Punto Mo

Hindi sapat na maging mabait

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAKAIBA ang babaing iyon. Kapag nagga-garden sa tapat ng kanilang bahay ay kakaiba ang suot niyang damit. Naka-long sleeve na dilaw na t-shirt na pinatungan ng floral short sleeve polo shirt. Parang outfit ng scarecrow na tinernuhan ng malapad na buri hat.

Pandak ang babae kaya para siyang kabute sa malayong view. Minsan naman ay naka-shorts siya habang nagga-garden. Napakaikli ng shorts. Kupasin ito at maluwang. Ang effect ay parang maikling palda ng cheer leader. Tapos tinernuhan ito ng plastic boots na ginagamit sa palengke ng mga kargador.

Kung siya ay teenager pa at seksi, puwede nang tanggapin ang kanyang kakatwang “attire”. Pero hindi, nasa late 50’s na siya, butuhan at medyo kulubot na ang legs.

Noong aktibo pa siya, mas priority niya ang paghahanapbuhay kaya’t iniaasa na lang niya sa kanyang katulong ang pag-aasikaso sa mga anak at asawa. Sa sobrang kasipagan, napabayaan niya ang pangangailangan ng kanyang mister. Kasama pa rito ang pagpapabaya sa kanyang hitsura.

Hindi pala sapat na maging masipag sa paghahanapbuhay at maging mabait na misis. Importante rin na maging maayos sa sarili. ‘Yung bihis na kapag kasabay mo si Mister ay magiging proud siya sa iyo. ‘Yung hindi porke’t nagga-garden ka lang ay okey na‘yung mag-aayos luka-luka ka.

Talagang mawawalan ng gana si Mister kapag ganoon ka. At tiyak, mabilis siyang maaakit ng katulong na paseksing magbihis kahit nasa bahay lang, laging mabango at bagong paligo. Kagaya ng dapat asahan, nagising na lang siya isang umaga na dinagit na ang kanyang mister ng malanding muchacha.

vuukle comment

MABAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with