^

Punto Mo

OFWs, pinagbabayad sa COVID test?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ang reklamo ng overseas Filipino workers (OFWs) na pinagbabayad sila ng P500 upang makuha ang resulta ng swab test mula sa Philippine Red Cross (PRC). Bukod pa ito sa P3,500 na binabayaran ng kanilang agencies para gawin ng PRC ang mandatory swab testing bago sila maka­uwi sa kanilang pamilya.

Sinabi ng mga kosa ko na pinagbabayad ang OFWs sa banko o dun sa PRC mismo kapag personal nilang kukunin ang laboratory result. Aba kung may 24,000 tayong bumalik na OFWs at may parating pang halos ganunding karami sa darating na buwan, malaking pitsa rin ang malilikom ng mga “sindikato” mula sa bulsa ng mga tinaguriang modern heroes dahil bilyones na iniakyat nila sa kaban ng Pinas kada taon. Araguuyyy!

Ang tanong ngayon, saan napupunta ang perang ibinayad ng OFWs? Si PRC chairman at Sen. Richard Gordon lang kaya ang maaring makasagot nito? Araguuyyy! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sa laki ng tulong na ginawa nila sa bansa, hindi yata tama na gatasan pa ang OFWs matapos silang mawalan ng pinagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic. Sabi nga ni Labor Secretary Silvestre Bello dapat alagaan ang OFWs dahil ngayon lamang sila humingi ng tulong sa gobyerno. Gets n’yo mga kosa?

Bawat umuwing OFW ay kinakailangang mag-quarantine ng 14 days at magpa-swab test para malaman kung sila ay virus carrier. Tumupad naman ang OFWs subalit ang problema sobrang tumagal ang pagkuha ng swab test at paglabas ng resulta at inabot na sila ng halos dalawang buwan sa quarantine facilities.

Sa sobrang tagal sa quarantine facilties, walo sa 100 buntis na OFWs ang nanganak na pero hindi pa rin nakauuwi agad sa kanilang pamilya Ang suspetsa ng OFWs kaya nadelay ang paglabas ng resulta mula sa PRC ay dahil hindi nakapagbayad ang marami sa kanila ng P500. Araguuyyy! Totoo kaya ito? Ano sa tingin mo kosang Jun Altubar?

Mabuti na lamang at nakialam na si President Digong at iniutos ang mabilisang pagpapauwi sa stranded OFWs. Matapos ang utos ni Digong, inaasahan mahigit 20,000 OFWs  ang nakauwi na kanilang mga probinsiya ngayong araw na ito.

Kumilos din si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations ng PNP at commander ng Joint Task Force COVID Shield para asistihan ang mga OFWs tungo sa kanilang probinsiya. Iniutos ni Eleazar sa mga police commanders na respetuhin ang mga papauwing OFWs at bigyan sila ng tamang kurtesiya.

Ayon kay Eleazar, naghanda ng bus, barko at eroplano ang gobyerno para sa pag-uwi ng OFWs. Iginiit ni Eleazar na hindi dapat pigilin o i-delay ang pag-uwi ng OFWs kapag may hawak silang quarantine certificate na nagsasaad na negatibo sila sa COVID. Hindi lang ‘yan. Iniutos din ni Eleazar sa police commanders na gumitna sa kung anumang problemang haharapin ng OFWs sa LGUs sa pag-uwi nila. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with