_pang-masa
^

3% increase sa PhilHealth ng OFWs, dagdag-pasakit!

BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 5, 2020 - 12:00am

SADYANG hindi  makatao ang 3% increase sa mandatory premium contribution ng overseas Filipino workers (OFWs). 

Ura-urada, kara-karaka, wala man lang abiso bilang respeto sa ating mga buhay na bayaning tinatawag na OFW.

Bumusina man lang sana ang ahensiya para makapag­handa at marinig ang boses ng mga OFW bago inilunsad ang contribution rate hike.

Ang nangyari kasi, pinagduldulan at may halong banta pa sa mga hindi raw makakabayad.

Parang ang estilo, mabahong utot na basta na lang ibinuga sa mga kababayan nating OFW.

Kaya ngayon, higit 300,000 OFWs na ang nagpetisyon sa pamamagitan ng online signature­ campaign. Pumalag at nagpapahayag ng kanilang disgusto sa hakbang na ginawa ng PhilHealth.

I find this lack of foresight, lack of planning, a bit irresponsible on the part of PhilHealth. Bakit naman itinaon pa sa gitna ng world pandemic COVID-19 crisis?

Ang national government, kumahog magbigay ng ayuda sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas. Iba’t ibang programa ang inilunsad, good news.

Samantalang ang PhilHealth, bad news na, bad trip pa! Aba’y oobligahing singilin daw ang OFW na hindi magbabayad at may pataw pa na penalty.

Maaaring may ibang OFW na mapalad, maunlad, hindi na iimik at balewala ang 3% increase­. 

Subalit para sa karamihan, dagdag pasakit at kalbaryo ito sa hirap na kanilang dinadanas na malayo sa pamilya para magtrabaho.

Ang 3% increase na ito, dagdag laman sa sikmura ng kanilang pamilya. Bakit nagkaganito? 

Sandamakmak na ang reklamo ng OFWs na nakarating sa BITAG Digital Media. Humihingi ng saklolo.

Kaya ngayon sa column na ito, nilalabas ko lang ang damdamin ng OFWs na nasaktan, nabastos at nakaramdam ng pananamantala sa isyung ito.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with