_pang-masa
^

Pedestrian stop kay Cpl. Ragos!

BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - April 28, 2020 - 12:00am

CLEAR and present danger, ito ang pangunahing basehan­ ng mga alagad ng batas para isagawa ang tinatawag na “judgment­ call’.

Kapag malinaw na siya ay nasa panganib, agarang desisyon­ na ang kinakailangan. Ang desisyong ito ay nakabase sa iyong abilidad, kaalaman at instinct.

Pagputok nitong COVID-19 crisis, naghigpit ang pamahalaan sa mga mamamayang makikitang pakalat-kalat ng walang katuturan sa lansangan.

Para mabuhay, manatili sa bahay, ang lumabag ay sisitahin, kukuwestiyunin ng mga otoridad­. Kapag nanlaban at pumalag, aarestuhin. 

Ang malungkot na sinapit ni retired army Winston Ragos (nakikiramay ako sa kanyang naiwang pamilya), ay isang uri ng pedestrian stop.

Sa simpleng depinisyon, pagpapatigil sa isang mamamayan na may malinaw na paglabag sa batas. Ang batas na nilabag ng isang pedestrian.

Mahalagang malaman ng lahat ang ibig sabihin ng terminolohiyang “pedestrian stop.” Natututunan­ lamang ang terminolohiyang ito sa mga police academy – kung ito nga ay tinuturo rito sa Pinas.

Hindi ako eksperto subalit sa pakiki-ride along ng BITAG sa mga Pinoy-US Cops sa Northern California simula 2009, sapat na para maunawaan ko ang mga pamantayan kapag isinasagawa ang pedestrian stop.

Napansin ko ang iba’t ibang estratehiya na sana ay maaaring isinagawa ng mga pulis habang kinukumpronta si Ragos.

Mula sa boses ng mga kumukumpronta, tutok ng baril sa subject, hanggang sa formation ng iba pang kasamahang nakapalibot sa kanya.

Panoorin ang aking analysis sa BITAG Official YouTube Channel hinggil sa isyung ito.

Lilinawin ko, hindi ako nagtuturo ng sisi, hindi rin ako nagmamagaling. Magsasalita lamang ako ng walang preno base sa aking obserbasyon

RAGOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with