^

Punto Mo

Sugar Mommy (306)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TOTOO ba ang sinasabi mo Jericho o binibiro mo lamang ako?’’ sabi ni Jane na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Jericho na uuwi na ito sa lalong madaling panahon. Pinayagan na umano ito ng boss na si Abdulazis na umuwi kahit hindi pa sumasapit sa tamang buwan. Naunawaan umano ito ng mabait na boss.

“Totoo, Jane, pauwi na ako.’’

“E kailan Jericho? Sabihin mo nang masundo ka namin sa airport.’’

“Sorpresa ang pagdating ko. Malalaman mo na lamang na nariyan na ako.’’

‘‘Ikaw talaga, Jericho napakahilig mong magsorpresa. Ilang beses mo nang ginagawa sa akin ‘yan.’’

Nagtawa si Jericho.

‘‘Kailan ka nga darating?’’

“Sorpresa nga. Hintayin mo na lang ako.’’

“Gusto ko, ipaghanda kita ng paborito mong pagkain.’’

Pagda-ting ko na lang saka ka maghanda.’’

“Ang daya mo talaga.’’

“Basta parating na ako. Magugulat ka na lang.’’

“Sige maghihintay ako.’’

“Baka maglulundag ka sa tuwa kapag nandiyan na ako.’’

“Ikaw talaga, paborito mo akong palundagin sa pagkabigla, ha-ha-ha!’’

“Hintayin mo na lang ako, Jane.’’

“Sige. Bye, Jericho.”

Natapos ang pag-uusap nila.

KAYA mula nang magkausap sila, lagi nang nakaabang si Jane kay Jericho. Kapag may naririnig siyang ugong ng sasakyan o ng traysikel, iniisip niyang si Jericho ang sakay niyon.

Hanggang sa lumipas ang isang linggo at wala pa rin si Jericho. Patuloy na naghintay si Jane.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with