‘Disiplina’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

“HINDI kayo ang nakakasama ng aking anak sa araw-araw kaya huwag n’yo akong pagsabihan kung paano ko siya didisiplinahin.”

Pinagsabihan si Thelma ng kanyang ina at kapatid nang makita ng mga ito na sinabunutan nito ang anak na si Gia, 6 na taong gulang dahil matagal maligo. Umiiyak na pumanhik sa kanyang kuwarto ang bata. May pahabol pang salita si Thelma kay Gia habang pumapanhik ito sa hagdanan.

“Aarte-arte pa ito komo alam na narito ang mga kakampi niya!”

Ang kanyang ate at ina ang tinutukoy na “kakampi”. Hindi nakatiis ang Ate kaya sumagot.

“Hindi mo dapat pinapagalitan ang mga bata kapag may kaharap na ibang tao o kahit na sa harap ng kanyang mga kapatid. Gusto mo bang lumaki na mababa ang pagtingin ni Gia sa kanyang sarili dahil sa madalas mong panghihiya sa kanya.”

“Kaya lalong umaarte ang babaeng ‘yan (Gia) kasi naririnig na ipinagtatanggol n’yo siya! Kaya huwag kayong makialam. Kami lagi ang magkakasama sa bahay kaya mas kilala ko ang aking mga anak. Mas alam ko kung paano sila didisiplinahin.”

Napikon ang ate sa sagot ng nakakabatang kapatid kaya napasigaw ito.

“Kaso pang-aabuso na sa bata ‘yang ginagawa mo. Nagsasalita ka na ng masakit, nananakit ka pa.”

Hindi lang yun ang unang beses na nasaksihan ng ina at ate ni Thelma kung paano nito “abusuhin” ang anak. Maraming beses. At lagi nila itong pinagtatalunan. Sa katagalan, nagsawa na rin ang ina at mga kapatid ni Thelma na makialam. Hindi kumikilala ng pagkakamali ang nakababata nilang kapatid. Kadalasan ay nauuwi lang sa pag-aaway ang lahat kaya tumigil na sila sa pakikialam.

Lumipas ang maraming taon, nagkaroon ng manifestation ang regular na pang-aabuso ni Thelma sa anak, na inakala niyang pagdidisiplina lang ang ginagawa niya. Nagkaroon ng problema sa school ang bata. Kagaya ng dapat asahan, binungangaan na naman si Gia ng ina.

Isang umaga, hindi na siguro makaya ng bata ang klase ng disiplinang ibinibigay sa kanya ng ina. Napakabigat at nakakasakit ng damdamin. Minabuti na lang niyang magpakamatay. Ininom niya ang maraming gamot na nasa medicine cabinet. Mabuti at naisugod agad sa ospital. Natanggal sa katawan ang mga gamot na nainom. Binabantayan nila ngayon si Gia. Sabi ng doktor, posibleng ulitin, at this time, sisiguruhin nitong magtatagumpay siya. Ewan kung ano ang tumatakbo sa isip ni Thelma habang nag-iiyak ito sa tabi ng anak na wala pa rin malay hanggang ngayon.

“The way we talk to our children, becomes their inner voice. Be kind with  your words.” —Peggy O’Mara

DISIPLINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with