Matapos ang Taal, coronavirus naman!
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

PANSAMANTALANG sinuspindi ng Civil Aeronautics Board ang lahat ng airline operations na galing sa Wuhan, China, na pumapasok sa iba’t ibang lugar sa Philippines my Philippines at vice versa bilang pag-iingat sa gitna ng banta ng novel coronavirus mula sa China. Ang desisyon ay ginawa ng CAB sa isang special board meeting two days ago.

Sinabi ng CAB, ang pagkakasunod-sunod na kautusan na suspindihin ang airline operations ay walang pagkiling sa mga flight na ginagawa ng Royal Air Charter Services sa Enero 24 at 27, 2020 pati na rin ang Pan Pacific Air sa Enero 23 at 25, 2020  sa layuning ibalik ang mga pasahero nila sa Wuhan. Ayon sa ulat, walang pasaherong makakapasok naman mula Wuhan papuntang Philippines my Philippines pa. At ang pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng kanyang mga pasahero at crews.

Iniutos ng CAB, bilang karagdagang pag-iingat sa lahat ng airlines operating sa Philippines my Philippines na subaybayan ang mga kaganapan na magdadala sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagkalat ng mga nobel coronavirus.

“All air carriers are directed  to closely monitor the events that might transpire from other cities which may be affected by the coronavirus and shall take necessary precautions in ensuring that the health and safety of passengers are not jeopardized,” sabi ng CAB.

Sa report ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla kay  Transportation Secretary Arthur Tugade, ito aniya ay upang maiwasan ang mga posibleng karagdagang pagkalat at paghahatid ng mga nobel coronavirus.

Ayon kay Arcilla, dalawang Philippines my Philippines carrier ang regular na may charter service sa Wuhan at Kalibo, Aklan province. “Wuhan is the center of the outbreak and the probability of transmission to our country is made highly possible because of the direct flights between Wuhan and Kalibo,” bida ni Arcilla  

Napag-alaman ni Arcilla, na ang Scoot Airlines mula sa Singapore at China Airlines of Taiwan, ay sinuspinde rin ang kanilang mga regular flight sa Wuhan. Sabi ni Arcilla, patuloy nilang imo-monitor ang galaw ng sakit na novel coronavirus sa mga susunod na araw.

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with