EDITORYAL - Kulelat sa reading, Math at Science
(Pang-masa) - December 8, 2019 - 12:00am

KULELAT ang Pilipinas sa reading comprehen-sion na nakakuha lamang ng 340 points. Kulelat din sa Math at Science. Ito ang resulta sa ibinigay na pagsubok ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018. Kabilang ang Pilipinas sa 79 na bansa na sumailalim sa assessment. Mas mataas pa ang nakuha ng Kosovo at Dominican Republic, 342. Nangunguna naman ang China, Singapore, Macau at Hong Kong.

Nasa kabuuang 600,000 mag-aaral na edad 15 ang sumailalim sa pagsusulit ng PISA noong nakaraang taon. Karamihan sa mga mag-aaral sa Pilipinas na nasa edad 15 ay nasa Grade 9. Ito ang unang pagkakataon na sumali sa PISA ang Pilipinas. Ang computer based-test ay tumagal ng dalawang oras. At nalantad ang kahinaan ng mga estudyanteng Pilipino sa English reading comprehension at ganundin sa Math at Science.

Sabi ng Department of Education (DepEd), sumali ang Pilipinas sa assessment dahil nais umano nilang matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bansa. Inaasahan na umano nila ito dahil mahina rin ang performance ng mga mag-aaral sa National Achievement Test (NAT).

Ngayong alam na ng DepEd ang kahinaan ng mga estudyante sa mga nabanggit na subjects, dapat rebyuhin ang basic curriculum. May mali, kaya ganito ang performance ng mga bata. Nagpapakita rin ito na hindi mahuhusay ang mga guro. Kung mahuhusay ang mga guro sa English, Math at Science, magre-reflect ito sa mga estudyante. Pero sa nakitang performance na naging kulelat at nalampasan pa ng ibang bansa na walang kasanayan sa pagsasalita ng English, talagang may malaking problema sa curriculum. Dapat itong pagtuunan ng DepEd.

Isa rin sa maaaring dahilan ay ang mga maling grammar sa English textbooks. Ilang taon na ang nakararaan, isang guro ang pumuna sa mga maling grammar sa ginagamit na libro ng mga estudyante. Ang mga maling grammar ang pumapasok sa isipan ng mga bata at ito ang tinataglay nila. Dapat magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon.

SCIENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with