^

Punto Mo

Alimasag sa Japan, binili ng $46,000!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG snow crab na nahuli sa Japan ang sinubasta at binili sa record price na $46,000, ayon sa samahan ng mga mangingisda sa lugar.

Ayon sa Tottori Prefecture Fisheries Association, ang alimasag ay 5.7 pulgada ang laki at may timbang na 2.7 pound.

Ang nakabili sa alimasag ay ang kompanyang Kanemasa Hamashita Shoten, isang sikat na crab seller.

Ang kompanya ring ito ang nagtala ng world record noong isang taon nang magbayad ng $18,300 para isang alimasag na isinubasta sa kaparehong lugar.

Layunin daw talaga ng kompanya na magbayad muli para sa pinakamahal na alimasag sa mundo. Naniniwala raw kasi sila na masarap ang taglay na karne ng alimasag.

Ayon sa kinatawan ng kompanya, nakatakdang lutuin ang alimasag sa isang restaurant sa Ginza, Tokyo.

vuukle comment

TOTTORI PREFECTURE FISHERIES ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with