Mali
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MAY isinulat ang guro sa blackboard:

9 x 1 = 7

9 x 2 = 18

9 x 3 = 27

9 x 4 = 36

9 x 5 = 45

9 x 6 = 54

9 x 7 = 63

9 x 8 = 72

9 x 9 = 81

9 x 10 = 90

Nagbubulungan at nagtatawanan ang mga estudyante dahil mali ang sagot sa first equation. Pagkatapos magsulat ay humarap ang guro sa mga nakangising estudyante. Nagpaliwanag ang guro :

Sinadya kong maliin ang pinakaunang equation upang matutuhan ninyo ang isang importanteng bagay. ‘Di ba’t pinagtawanan ninyo ang isinulat kong maling equation pero hindi ninyo ako pinuri sa siyam na tamang equations na  naisulat ko. Ganyan my dear students ang pagtrato ng mga tao sa kapwa nila kapag nagkamali. Mabilis nakakalimutan  ang maraming nagawang kabutihan ng isang tao dahil ang tumatatak sa isipan ng marami ay ang kaisa-isang mali na nagawa.

“We don’t live in a democracy; we live in a hypocrisy.” Sarah Silverman

EQUATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with