Ang PGH, bow
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 8, 2019 - 12:00am

ANO ba ito naaalibadbaran ang mga pobreng alindahaw porke tinapyasan daw ng mga pa bright, bright sa Kamara ang pondo ng Philippine General Hospital.

Talaga lang ha!

Kawawang mga mahihirap.

Bakit? 

‘Yan ang hindi natin maintindihan. Alam ng madlang Pinoy mayaman man o mahirap, taga-probinsiya o taga-Manila, mapa bata o matanda, tomboy o bakla, ang PGH, ang isa sa pinakamagaling na government hospital sa Philippines my Philippines na nagbibigay ng malaking tulong sa mga mahihirap na pasyente tapos tinapyasan pa ng annual budget. Dito rin sa PGH nagsasanay para lalong maging dalubhasa ang mga doctor na gumagamot sa mga pobreng alindahaw.

Binawasan pa ng budget!

Ano ba naman ‘yan?

Sabi nga, noong 2019 national budget, may P2.198 billion ang alokasyon sa medical services ng PGH, kasama ang mga gamot, medical equipment at iba pang medical supplies.

Sa ipinasok na 2020 national budget, tapyas ng 14% o katumbas ng P456 million kaya na­ging P2.77 billlion na lang.

Kaya kahit ‘ini-restore’ ang P200 million sa Kongreso, kulang pa rin ito para matugunan ang pagpapagamot ng mahihirap na pasyente at ang pag-a-upgrade ng mga pasilidad ng PGH.

Puntahan ninyo ang PGH at tignan ninyo ito sa lahat ng anggulo, dito ninyo makikita ang matinding pangangailangan ng ospital.

Bakit?

Luma na ang mga kasangkapan o kagamitan na kailangan ng baguhin tulad ng mga elevator na kadalasan ginagamit ng mga nay sakit. 

Sabi nga, bilang na lamang elevator ang nagagamit at hindi pumupugak. Hehehe !

Paano ang budget para sa sahod ng mga doktor, nurses at iba pang medical staff ng ospital.

Masaya kaya sila o baka nagbavalak na rin silang mag-abroad ?

Ano sa palagay mo ? 

Abangan .

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with