Si Baboy Burara
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 6, 2019 - 12:00am

ANG elepante ay napakalinis sa katawan kaya tinawag siyang Elepanteng Makinis. Araw-araw ay may schedule siya ng paliligo sa ilog. Minsan, habang naglalakad sa tulay ay nakasalubong naman niya si Baboy Burara. Nakakatagal ito na hindi naliligo ng ilang araw kahit maghapon siyang gumulong sa putikan.

Umusod si Elepante sa pinakagilid ng tulay at ipinagpatuloy ang paglalakad. Si Baboy ay buong pagmamalaking pumagitna pa sa tulay habang naglalakad. Nakasalubong ni Baboy ang kanyang mga kaibigang kapwa baboy at nagwika:

Nakita n’yo yun? Tumabi si Elepanteng Makinis nang masalubong ako, kasi takot siya sa akin.

Narinig ng mga tsismosang elepante ang sinabi ng baboy kaya sinabi nila ito kay Elepanteng Makinis.

Napangiti si Elepanteng Makinis.

Napakaliit ni Baboy para ako ay matakot. Ipitin ko lang siya sa pagitan ng aking mga binti, tiyak na para siyang tiniris na kuto. Kaso hindi ko iyon gagawin. Takot akong mapadikit sa maputik niyang katawan at nandidiri ako sa  mabaho niyang amoy kaya tumabi ako nang magkasalubong kami sa tulay.

Parang mga tao. Umiiwas kang patulan ang mga taong naninira sa iyo, hindi dahil natatakot ka sa kanila kundi umiiwas ka sa bitbit nilang negativity. Madalas pa naman, ang mga taong “nega” ay hindi tumatanggap ng katwiran at walang kahiya-hiyang makipag-away sa publiko.

BABOY BURARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with