Pipitasin mo ba ang bulaklak?
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 4, 2019 - 12:00am

LIMANG taon na silang kasal ay hindi pa rin masu-wertihang makabuo kahit ilang doktor na ang nagpatunay na pareho silang fertile. Abala silang dalawa sa career kaya hindi na nila nabibigyan ng oras ang kanilang sexual needs. Hindi iyon napapansin ng lalaki ngunit matagal nang kinikimkim ng babae ang kanyang hinanakit sa asawa na tila wala na itong interes sa kanya. Nadagdagan pa ang hinanakit nito sa asawa nang mag-away sila ng kanyang hipag ay kinampihan pa nito ang kapatid at pinagmukha siyang kontrabida. Lalong na-stress ang babae nang sumabay pa ang problema niya sa trabaho. Kaya isang gabing punumpuno na siya, hinamon niya ang asawa:

“Maghiwalay na tayo!”

Hindi nakaimik ang lalaki nang isa-isahin ng babae ang pagkukulang nito. Matapos makapag-isip ay tinanong ng lalaki ang asawa.

“Ano ang dapat kong gawin para hindi mo ituloy ang pakikipaghiwalay?”

Natigilan ang babae. Pagkaraan ng ilang minuto, muli itong nagsalita.

“Halimbawa ay may nagustuhan akong bulaklak ngunit ito ay nasa gilid ng bangin, pipitasin mo ba ito para sa akin kahit alam mong puwede kang mahulog at mamatay? Nakabase sa isasagot mo ang aking magiging desisyon kung itutuloy ko  o hindi ang pakikipaghiwalay sa iyo.”

Napabuntong hininga ang lalaki at saka nagsalita. Matulog muna tayo at bukas kita sasagutin.

(Itutuloy)

FERTILE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with