Same-sex marriage, labag sa utos ng Diyos
USAP TAYO - Pastor Joey Umali (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MALIWANAG pa sa sikat ng araw,  base sa disenyo ng Diyos, ang magsasama bilang mag-asawa ay ang lalaki at ang babae. Wika sa Genesis 2:24-25, “Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y nagiging isa. Kapwa hubad noon ang lalaki at babae, ngunit hindi sila nahihiya.” 

Isang kasuklam-suklam na gawain ang pagtatalik ng magkaparehong kasarian. Ganito ang wika sa  Roma 1:26, “Dahil dito’y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki ayon sa likas na kaparaanan, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan.  Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae ayon sa likas na kaparaanan, at sa kapwa lalaki sila nahuhumaling.  Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya’t sila’y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.”

Ang kasuklam-suklam na gawaing ito’y naging kultura sa siyudad ng Sodoma at Gomorra kung kaya’t ginunaw ito ng Diyos. Mula sa “Sodom” kinuha ang salitang “sodomy” na nanga­ngahulugang  “oral” o “anal sex.”

Hindi lamang kasuklam-suklam ang pagtatalik ng magkaparehong kasarian, ito rin ang pangunahing pinagmumulan ng HIV/AIDs, isang walang lunas at nakakamatay na kondisyon na dulot ng Human Immunodeficiency Virus (HIV). Ayon sa report ng DOH at ng UN, ang Pilipinas ang nakapagtala ng “fastest-growing HIV/AIDS” sa Asia-Pacific, umaabot na sa 10,500 ang bilang ng mga Pilipinong may HIV/AIDS. 83% ng kaso ay bunga ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki at ng mga transgender women sa mga lalaki. 

Isa sa mabigat na dahilan kung bakit tinututulan ng maraming iglesya ang SOGIE (sexual orientation and gender identification expression) Bill ay sapagkat pahihintulutan nito ang “same-sex marriage.”  Ipinagbabawal ng panukalang-batas ang diskriminasyon sa pag-iisyu ng mga lisensiya at permiso dahil sa usapin ng “sexual orientation” o “gender identification.” Kapag naging batas, hindi maaaring tanggihan ang dalawang lalaking humihingi ng lisensiya sa pagpapakasal.

Mawawalan na rin ng karapatan ang mga magulang na iayos ang asal, ugali at kilos ng anak ayon sa kasarian nito nang isilang.  Halimbawa, kung sasabihin ng anak na lalaki sa kanyang tatay na gusto niyang magsuot ng bestida at maglipstik, at ang tatay ay magagalit at siya’y pagbabantaang didisiplinahin kapag ginawa niya ito, puwedeng idemanda at makulong ang tatay.

Aalisin ng SOGIE Bill ang “religious freedom” ng mga Kristiyano na ipangaral sa publiko ang Salita ng Diyos na lumalaban sa mga “homosexual practices” na katulad ng pagtatalik ng magkaparehong kasarian.  Sinumang pari o pastor na gagawa nito’y maaaring makulong.

Kapag naisabatas na, maaari nang ipasok sa sistema ng edukasyon ang pagtuturo ng mga “homosexual ideologies” sa pamamagitan ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex at asexual) curriculum gaya ng ginagawa sa US at Canada.

Ang kasal at pagtatalik ng dalawang taong may magkaparehong kasarian ay labag sa Salita ng Diyos. Ito’y isang uri ng labanang espiritwal na hindi dapat ipagwalambahala ng bawat taong naniniwala sa Diyos.  Ito’y isang labanang hindi maaaring hindi salihan ng mga iglesyang sumusunod sa utos at halimbawa ni Hesus.

Mahalin natin ang mga LGBTQIA, ngunit ituwid natin ang kanilang mga “homosexual practices.” Tulungan natin silang makabalik sa dinisenyo sa kanila ng Diyos, sapagkat iyon ang pinakamabuti at walang maaaring pumalit doon.      

SAME-SEX MARRIAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with