Health Tricks and Tips (Part 4)
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

Lagyan ng slices ng avocado ang inyong hamburger. Idinokumento ng researchers mula sa University of California ang harmful effect ng pagkain ng hamburger pagkaraan ng dalawang oras sa blood vessels. Ngunit walang naging masamang epekto sa blood vessel nang dagdagan nila ang bawat sandwich ng slices ng avocado. Na-neutralize ng good fat mula sa avocado ang inflammatory effect ng karne sa katawan.

Gawin mong daily drink ang gatas: fat-free milk ot low-fat milk. Napipigilan nito ang pagkakaroon ng arthritis.

Sapinan ng tissue o papel ang toilet seat kapag ikaw ay gumagamit ng public toilet. Karamihan sa ating mga kababaihan ay tumutuwad na lang pag-ihi para umiwas sa pag-upo sa toilet seat. Hindi nailalabas lahat ang ihi kapag ikaw ay umiihi nang nakatuwad at masama ito dahil maaaring magkaroon ng bacteria ang naiwang ihi sa pantog. Delikado namang itaas ang paa sa toilet seat at tumingkayad dahil may matandang nawalan ng balanse at nahulog nang pataob sa sahig habang umiihi. Nagkagulo kami noon sa CR.

Huwag magmaneho nang naka-flip flops. Mas mabuti pang magmaneho nang nakayapak kaysa naka-flip flops.

HEALTH TRICKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with