^

Punto Mo

Babae sa Missouri, mag-isang nabawi ang na-carnap niyang kotse

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAG-ISANG nabawi ng isang babae sa Missouri ang kanyang sasakyang na-carnap matapos siyang mag-imbestiga at matunton ang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant. Kinuha o ninakaw niya ang sariling kotse habang nasa loob ng restaurant ang carnappers.

Ayon kay Danielle Reno ng Kansas City, na-carnap ang kanyang SUV ilang sandali lang matapos siyang bumaba rito upang sunduin ang kanyang anak. Pagkababa raw niya, mayroon na lang biglang sumakay sa kanyang sasakyan at agad pinatakbo ito.

Bagama’t agad siyang nag-file ng police report, tinutukan pa rin ni Reno ang galaw ng kanyang sasakyan. Nasubaybayan niya ito sa pamamagitan ng mga natatanggap niyang mensahe ukol sa paggamit ng mga salarin sa kanyang credit card, na nasa loob ng sasakyan nang matangay ito.

Pinuntahan ni Reno ang gas station kung saan ginamit ang kanyang credit card at napag-alaman niya mula sa mga empleyado roon na papunta sa isang restaurant ang mga carnapper.

Tinungo nga ni Reno ang sinabing restaurant at doon nga niya inabutan ang grupo ng tatlong babae na ang isa ay hawak-hawak pa ang kanyang wallet at mga susi.

Dahil may ekstrang susi, agad niyang tinungo ang parking lot at doon natagpuan ang kanyang kotse. Kinuha niya ito. Ipinost pa ni Reno sa Facebook ang kuha niyang video kung saan makikita ang pagpunta niya sa parking lot ng restaurant at pag-“nakaw” sa sarili niyang sasakyan.

Agad namang dumating ang mga pulis sa restaurant kung saan inaresto ang tatlong babae na tumangay sa sasakyan ni Reno.

Ayon kay Reno, pininsala ng mga babae ang loob ng kanyang sasakyan.

vuukle comment

MISSOURI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with